ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Kumusta na kaya si Basti? Sa totoo lang hangga’t di kami ulit nagkakasama, pakiramdam ko mas pahaba nang pahaba ang araw na ‘to. At kahit alam ko na nabawasan kahit papaano ang tampuhan namin kagabi, ramdam kong mabigat pa rin ang loob ko. Bakit kaya? Dahil ba di pa kami nagkakausap ng masinsinan? Kung ganon, gusto ko na talaga siyang makita para matigil na ako sa pag-aalala. Pero makakapaghintay pa kaya ako, o kailangan ko na ba siyang puntahan?

    - Iris

  • Basti

    I sure missed Iris today. But it was a good thing that we were able to talk last night. Mas ganado tuloy ako mag-trabaho ngayon. I have to admit, this project is a bit challenging and the hours are long, pero it really motivates me to work even harder so I can prove to my Love na talagang wala siyang dapat ipag-alala kung mag-decide kami ngayon na magka-baby. I really hope she changes her mind by the time I come home to her. But until then, I guess work mode muna kami ni Otap.

    - BASTI

  • Alejandro

    Kahit anong sungit sa akin ni Sir Dad, di ko talaga siya makuhang pabayan lalo na pag nakikita kong hirap na hirap siya. At oo, masakit para sa akin sa tuwing ipararamdam niya sa akin na di pa rin niya ako tanggap. Pero alam mo kung anong mas masakit? Ang makita ko siya na nasa ganitong kalagayan. Kahit di pa rin niya ako makuhang tanggapin, alam ko na mas may isasaya naman ang puso ko kapag nakita ko na siyang malakas at nakakalakad na ulit. Kaya sana talaga, mas bumilis ang pag-galing niya.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.