ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Di pala madaling mag-trabaho pag alam mo na nagtatampo ang mahal mo sa’yo. Gusto ko lang naman kasing makasigurado na di namin basta-basta pinakakawalan ang mga opportunities na dumarating sa amin. Pero salamat kina Ali at kay Mama, palagay ko mas nauunawaan ko ngayon kung ano ang posibleng pinagdaraanan ni Basti. Di na tuloy ako makahintay na makauwi siya. Gusto ko na siyang makausap tungkol sa mga plano namin, lalong-lalo pa ngayon at mas na-miss ko siya.

    - Iris

  • Basti

    Wow, I sure missed my Love today! I don’t think kaya kong magtampo sa kanya nang matagal. After all, naiintindihan ko rin naman siya. I just hope she also realizes where I’m coming from. I spent most of my life all alone, kaya talagang looking forward na akong magkaroon ng buo, masaya at malusog na pamilya. Gagawin ko ang lahat para maitaguyod ko sila, so I don’t think she should worry as much about starting our family now. I still believe that this is the perfect time to do it.

    - BASTI

  • Alejandro

    Palagay ko, kakailanganin ko ng mahabang pasensya at unli pang-uunawa. Medyo mahirap pala talaga kasi mag-alaga ng taong masama ang loob sa iyo. Naawa ako kay Sir Dad at gustong-gusto ko siya tulungan, pero papaano ko gagawin yun kung hindi niya ako hahayaan? Siguro kailangan ko lang mag-focus pa nang mas mabuti sa resolution ko na maging selfless para di rin masyado bumigat ang loob ko, at mas matulungan ko pa siyang gumaling sa lalong madaling panahon.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.