ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Super bilis talaga ng panahon! Isipin mo, bagong taon na naman? Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan naming pagsubok, masaya ako at nanatili kaming masaya at matatag nitong nagdaang taon – ito siguro ang rason kung bakit maraming pinto ang nag-bukas para sa Love Team! Pero ramdam ko na simula pa lang ang lahat ng ito. Naniniwala kasi ako na hanggat patuloy kaming magsusumikap, marami pang magagandang bagay ang naghihintay sa amin. Marami pang blessings ang darating sa amin!

    - Iris

  • Basti

    Wow! This year sure is filled with so many ups and downs. But I have to say, the very highlight of my year is having Iris in my life. Sa tuwing nakikita ko siya, nare-realize ko na napakarami kong dapat ipagpasalamat. With her around, alam ko na the year ahead will always be perfect kahit pa ano pang pagsubok ang dumaan sa aming dalawa. Kaya cheers to 2017! Cheers sa Love Team at higit sa lahat cheers sa love kong si Iris!

    - BASTI

  • Alejandro

    Hindi pa rin talaga lumalambot ang puso sa akin ni Sir Dad. Pero imbes na ma-discourage, I must see this as the perfect time to work even harder for his acceptance. Napakarami na naming pinagdaanan bilang mag-ama kaya naman imbes na sumuko, dapat isipin ko na may chance pa rin na matatanggap niya ako eventually for who I really am. After all bagong taon na, panahon na naman ng bagong pag-asa!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.