ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Hindi pa rin matanggap ng isip ko, lalo na ng puso ko na wala na ang baby namin ni Basti. Pinipilit kong maging okay para na rin hindi na sila mag-alala, pero hindi ko pa rin pala talaga kaya. Masakit pa rin. Ang daming tanong sa isip ko. Kasalanan ko ba? May pagkukulang ba ako kaya nangyari ‘to? Hindi pa ba talaga ako handa para maging ina? Pero kailangan ko maging okay. Hindi ko alam kung paano pero susubukan ko.

    - Iris

  • Basti

    I can’t imagine the kind of pain Iris is going through right now. Kung pwede ko lang kunin ‘yung sakit, I’ll do it. I’ll do anything just to see her smile again. Hindi ko kayang makita syang malungkot. It hurts me as much as losing our baby. That’s why I’m planning something special to help cheer her up. I really hope this will work. Miss ko na kasi ‘yung masungit, makulit at masayahin kong asawa. We’ll get through this. I promise.

    - BASTI

  • Alejandro

    Nag-aalala talaga ako para kay Iris. I know she’s trying her best na maging okay pero alam kong sobra syang nahihirapan. Sobra syang nasasaktan. Hindi madali ang pinagdadaanan nya pero hindi nya kailangan pasanin ‘to ng mag-isa. Nandito kaming mga kaibigan at pamilya nya. Nandyan si Basti. Mahal na mahal namin sya at nandito kami para damayan at suportahan sya. At wala kaming ibang gusto kundi ang makita ulit syang masaya.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.