ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Bakit kailangan mangyari ‘to? Bakit kailangang mawala ang baby namin ni Basti? Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung pwede ko lang ipalit ang sarili ko para mabuhay sya, gagawin ko. Patawarin mo kami, baby. Hindi namin gustong pakawalan ka. Hindi namin gustong mawala ka sa amin. Mahal na mahal ka namin. Sobra-sobra.

    - Iris

  • Basti

    We lost our child today. Ectopic ang pregnancy ni Iris. No words can describe the pain of losing a child, of losing something you've always dreamed of. I wish this didn't have to happen to Iris, kasi sobra syang nasasaktan. Pero marami na kaming napagdaanan; we will get through this. Hindi ko pababayaan ang asawa ko.

    - BASTI

  • Alejandro

    May bagong hamon na naman sina Iris at Basti. Hindi biro ang mawalan ng anak, lalo na't pinaghandaan na nila ang magka-baby. Sigurado, nahihirapan sila, lalo na si Iris...Basta. Gagawin ko lahat nang makakaya ko, makatulong lang sa kanila. Malalampasan din nila ito. Pagtitibayin sila nito.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.