ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Who would have thought na makukulong ako dahil sa isang prutas? Mahirap din pala kapag naglilihi ang asawa mo. This is all new to me. Pero para kay Iris at para sa baby namin, I’m willing to go far and wide para lang mabigay sa kanya ang gusto nya. Because that’s what I promised nung kinasal kami, na I will love her and take care of her and our family no matter what. ‘Wag lang sana ako makulong ulit.

    - BASTI

  • Iris

    Naku, ano ba ‘yan. ‘Di ko naman gustong makulong si Basti eh. Gusto ko lang talaga ng Marang. Ganito ata talaga kapag naglilihi eh. Pero nagpapasalamat ako at sobrang love talaga ako ng mister ko at hinanapan nya ako ng gusto ko. Haay! Sya na talaga ang best husband ever! Sobrang swerte namin ng baby ko sa kanya. Kaya sana, ‘yung mga susunod na paglilihian ko hindi na mahirap hanapin. Kawawa naman si Basti.

    - Iris

  • Alejandro

    Ibang klase rin pala maglihi ‘tong si Iris! Ang hirap hanapin. Ayan tuloy nakulong si Basti. ‘Di ko nga alam kung maaawa ako o matatawa eh. Pero seriously, hanga din talaga ako dito kay Basti. Kahit mahirap, gagawin nya lahat para ibigay kay Iris ‘yung gusto nya. Hindi ko na mahintay ‘yung paglabas ng baby at ikwento sa kanya kung paano nakulong ang Daddy nya dahil sa Marang!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.