ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    I can’t explain how happy I am na okay na kami ni Mama Cass. Lalo na nung tinawag nya akong, anak. It made me feel na talagang tanggap na nya ako bilang pamilya, bilang asawa ni Iris. And another thing na nagpasaya sa ‘kin is binigay nya ‘yung blessing nya para pakasalan ko si Iris sa simbahan. Now all I have to do is prepare my surprise for Iris. I can’t wait to tell her about it. I can’t wait to marry her again. I love her so much!

    - BASTI

  • Iris

    Home sweet home! Nakabalik na kami Basti sa Maynila, kaya balik trabaho na ulit. Pero parang may iba atang pinagkakaabalahan ‘to si Basti. Lagi syang umaalis tapos kapag tinanong mo kung saan galing, walang malinaw na sagot. Naku ha! Kababati lang namin. Ayokong magduda pero para kasing may tinatago sya sa ‘kin eh. Ano kaya ‘yun?

    - Iris

  • Alejandro

    Sobrang excited na ‘ko sa gagawing surprise ni Basti para kay Iris! Sigurado ako, Iris will be so happy. Alam ko wish nya rin talagang makasal sila ni Basti sa simbahan. At ito na nga, malapit nang magkatotoo. Bilib talaga ako sa pagmamahal nila sa isa’t-isa. Sana balang araw, makahanap rin ako ng katulad nang natagpuan nila. Sana…

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.