ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Lolo Hayme and Lola Ading’s love story is truly inspiring. And I’m really happy na they got to renew their vows sa simbahan. I guess, happy endings really do exist. Pero ‘yung story namin ni Iris, nagsisimula pa lang. Marami pa kaming pagdadaanan. But no matter what happens, I’m happy kasi sya ang kasama ko. No words can explain how grateful I am to have her in my life. I guess, I’ll just have to show it. And I think I have the perfect way to do that.

    - BASTI

  • Iris

    Buti na lang nahatak ako ni Basti na lumayo muna. Sobrang hindi ko makakalimutan ‘tong experience namin dito. Marami kaming natutunan mula kina Lolo Hayme at Lola Ading tungkol sa buhay mag-asawa. Marami rin kaming natuklasan tungkol sa isa’t-isa. At ngayon masasabi kong mas malalim na ang pagkilala ko kay Basti. Malaking tulong ‘to para mas maging matibay at matatag kami. At kahit anong pagsubok pa ang itapon sa amin ng buhay, hindi kami bibitaw. Magkasama kami mula simula hanggang wakas.

    - Iris

  • Alejandro

    Haay! Medyo nami-miss ko na ‘yung mga best friends ko ah. Hanggang kailan kaya ‘yung bakasyon, slash second honeymoon nila? Ang tahimik kasi dito sa love nest eh. At ang isang hindi ko pa nakikita ulit…si Stephen. Kumusta na kaya ‘yun? I hope he’s doing okay. I hope he can finally get the chance na sabihin sa Dad nya ‘yung totoo. And if ever he needs me, nandito lang ako.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.