ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Ilang linggo na kaming walang kliyente. Gusto ko talagang magpaka-positive na one of these days, makakakuha rin kami. Nakikita ko rin kung paano naghihirap si Basti na magtrabaho para matulungan ‘yung Love Team, pero syempre kailangan ko rin maging realistic. Paano kung magpatuloy pa na ganito? ‘Yung ipon namin ni Basti unti-unti nang nababawasan. Paano na ‘yung mga pangarap namin?

    - Iris

  • Basti

    Aside from freelance work, I also got myself an extra job as a waiter. Medyo maliit ang kita pero at least it could help with our expenses. I know we’re going through a difficult time right now that’s why I need to work harder. Temporary lang ‘to. Eventually, this phase will pass. As long as we stand by each other, babalik ang Love Team sa dati. Maipagpapatuloy na namin ni Iris yung dreams namin for our future family. I’ll make sure of that.

    - BASTI

  • Alejandro

    Na-hopia kami dun sa classmate namin ah. Akala namin sya na ang sagot sa kawalan namin ng client. Sobra pa namang nag-prepare si Iris. Pero ‘di bale may pumapasok naman na catering orders eh. At least kahit papaano, kahit kaunti may kinikita kami. Naniniwala ako na malalagpasan din namin ‘to. Kami pa! Solid ata ‘to! Walang iwanan. Babangon ulit ang The Love Team!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.