ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Eto na nga ba ‘yung kinakatakot ko eh. Lahat ng client namin nag-backout na. Wala nang natira dahil dun sa kumalat na video. Dahil sa mga bashers, nasisira kami sa mga potential clients namin. Kung alam lang nila kung paano namin pinaghihirapan ‘tong business na ‘to. Ayokong mawala ang The Love Team. Hindi lang ‘to basta negosyo, pangarap namin ‘to nina Basti at Ali. Ayokong panghinaan ng loob pero hindi ko maiwasang isipin, paano nga kaya kung hindi na kami makaahon?

    - Iris

  • Basti

    We’ve lost all our clients. But we’re trying to do the best we can para makahanap ng bago. And while doing that naisip ko na rin na tumanggap ng freelance work. I also plan to find an extra job para makatulong sa expenses ng business namin. I promised Iris that we’ll get through this. Ayoko syang nakikitang nalulungkot. That’s why I’m willing to do everything to save The Love Team, para sa mga taong umaasa sa amin…para kay Iris.

    - BASTI

  • Alejandro

    Nakakainis talaga ‘yang mga bashers na ‘yan. Hindi naman nila alam kung ano ‘yung totoong mga nangyari pero wagas sila makapanira. Ang mas nakakainis wala kaming magawa para pigilan sila. All we can do now is to find ways para makahanap ng bagong clients. Ngayon namin kailangan maging solid as a team. Walang bibitaw. Kaya naming ‘tong lagpasan basta sama-sama kami.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.