ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Nalulungkot ako. Nafu-frustrate ako. Sobra naming pinaghandaan ‘tong event na ‘to tapos ganun ‘yung mangyayari? Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi binayaran pa rin kami ng client namin. ‘Yung nga lang mukhang konti lang ‘yung kinita namin sa event na ‘to. At ang isa ko pang iniisip ay ‘yung magiging epekto nito sa image ng business namin. Sana naman hindi kami mawalan ng kliyente dahil dito. Hindi pwedeng mangyari ‘yun.

    - Iris

  • Basti

    I admit, I felt a bit down because of what happened in our event. Pinagplanuhan namin ito nang mabuti to impress our client, kasi this wedding was supposed to be a big break for our business. I’m worried about Iris. Alam ko sobra syang nalulungkot ngayon. But this incident shouldn’t discourage us. Babawi kami sa future events namin. Everything will be okay. We’ll get through this. We just need to stay positive.

    - BASTI

  • Alejandro

    Our big event is done, but sadly it wasn’t as perfect as we planned it to be. Kaya ayun, hindi masyadong masaya ang team dahil sa nangyari, lalo na si Iris. Pero at least, we still tried our best na gawan ng paraan para maging maganda ‘yung wedding. Buti na lang din dumating si Stephen to help. I’m happy na makitang hindi na sya masyado malungkot. I really hope na makapag-move on na sya.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.