ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    I finally got a chance to talk to Mama Cass. Nag-sorry ako sa kanya because I know nasaktan sya nung bumukod kami ni Iris. I really hope na maging okay rin kami. Lalo na ngayon, nakapag-decide kami ni Iris na mag-ipon for us to have our church wedding. Gusto ko, nandun ang buong pamilya namin. And although kasal na kami ni Iris, I can’t help but feel excited to see her walk down the aisle. I know she'll be the most beautiful bride. I'm so lucky to have her as my wife.

    - BASTI

  • Iris

    Thank you po ulit ng sobra, Lord sa pagbibigay sa amin ng malaking client. Pagbubutihin talaga namin ‘to. Kailangan walang pumalpak! Sobrang laking tulong sa business namin kapag naging successful ang event na ‘to. Sobrang laking tulong nito sa amin ni Basti. Para ‘to dun sa pinag-iipunan naming kasal sa simbahan. Iba pa rin kasi kapag may basbas ni Lord ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Kaya sana, sana po talaga ma-impress namin ‘tong kliyente namin.

    - Iris

  • Alejandro

    Yes! Mukhang effective talaga ‘yung ginawa naming open house event. Nakakuha kami ng malaking client! Grabe, nararamdaman ko na! Ito na talaga ‘yung matagal naming hinihintay na big break! Kaya we’ll make sure na we get to ace this one. That’s why ngayon pa lang, we need to contact our suppliers and give them a heads up. And speaking of contact, hindi sinasagot ni Stephen ‘yung mga calls and messages ko. Dahil kaya ‘to dun sa hindi ko pagsama sa Baguio? Naku, baka nagtatampo ‘yun.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.