ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Aaminin ko, napanatag ‘yung pakiramdam ko nung nag-negative ‘yung pregnancy test. Pero nung nakita ko kung paano na-disappoint si Basti, medyo na-guilty ako. Alam ko kasi na gustong-gusto na talaga nyang magka-baby. Siguro kasi ang pagiging tatay ang bubuo sa pagkatao nya. Pero hanggang wala pa ‘yun, hanggang hindi pa dumadating ‘yung tamang panahon para maging magulang kami, susubukan ko munang punuin ‘yung kulang na nararamdaman nya ng pagmamahal ko.

    - Iris

  • Basti

    It’s only a false alarm. Hindi buntis si Iris. Akala ko talaga matutupad na ‘yung hinihiling ko. I can’t help but feel disappointed, but at the same time, it also made me think. Am I really ready to be a father? Looking at all the things na kailangan naming paghandaan bilang magulang, baka nga tama si Iris. It’s not yet the right time for us para magka-baby. I guess I’ll just have to wait.

    - BASTI

  • Alejandro

    Naku, siguro disappointed ngayon ‘yun si Basti kasi false alarm pala na buntis si Iris. Kaya eto si Iris gusto i-console ‘yung asawa nya. I’m sure naman mase-settle din nila itong issue na meron sila. Naikwento ko nga kay Mommy eh. Napunta tuloy ‘yung usapan kung gusto ko rin maging magulang in the future. Oo, gusto ko. And I’ll make sure na I’ll be the best parent sa magiging anak ko. Pero mas okay rin sana kung may makakasama ako magpalaki sa kanya. Sana lang naman.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.