ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Hala! Buntis ba ako? Hindi pa nga kami nakakapag-usap ng maayos ni Basti tungkol sa issue namin sa pagkakaroon ng baby, tapos eto? Pero hindi pa rin naman sure eh! Baka false alarm lang? Kailangan ko makasigurado! At kailangan ko rin ihanda ang sarili ko. Kung buntis nga ako, malaking pagbabago ‘to sa buhay ko, sa buhay namin ni Basti ‘pag nagkataon. Haay! Ano nga kaya? Positive ba o negative?

    - Iris

  • Basti

    Tama si Dad, kailangan talaga mag-usap kami ni Iris about our baby issue. ‘Yung kaming dalawa lang. I don’t want this to affect our relationship. I know maaayos namin ‘to. We’ll decide on this together. Although in my heart, I really can’t wait na mabuo na ‘yung family namin—me, Iris and our kids, ‘yung marami! I can’t wait to be a father. At kapag nangyari ‘yun, I will do everything to be the best dad in the world!

    - BASTI

  • Alejandro

    Hindi pa rin pala tapos ang baby issues nitong mga best friends ko. Well, pareho naman silang may point. Gets ko si Basti kung bakit gusto na nyang magka-baby. Gusto lang talaga nyang magkaroon ng one big happy family, kasi nga lumaki syang mag-isa. Gets ko rin naman ‘to si Iris. 'Di talaga biro magkaanak. Pero in the end, kung anuman ang magiging desisyon nila, I’ll be here to support them. At ngayon pa lang, I volunteer myself na maging ninong/ninang nang magiging chikiting nila. Exciting!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.