ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    We have a new event coming up. And this time, it’s a child’s birthday party. Nung nakita ko ‘yung family ng client namin, how happy they look, the more na gusto ko nang magka-baby kami ni Iris. I tried to talk to Iris about it but she told me hindi pa raw kami ready. I know that I need to understand her side but I can’t help but feel frustrated right now. Am I being selfish?

    - BASTI

  • Iris

    Eto na nga ba ‘yung sinasabi ko eh. Nagkakatampuhan na kaming mag-asawa dahil sa baby issues namin. Gusto ko rin naman magka-baby kami ni Basti, pero hindi lang talaga muna ngayon. Kailangan pagplanuhan ‘yun ng mabuti. Hindi basta-basta ang pagkakaroon ng anak. Dapat ready ka physically, emotionally at financially. ‘Yung kaming dalawa nga lang medyo may struggle na kami, paano pa kaya kapag may anak na kami. Sana naman pakinggan ako ni Basti.

    - Iris

  • Alejandro

    Haay! Grabe, mukhang magiging super busy na naman kami dahil sa bago naming event. Lalo na medyo challenging ‘tong client naming bagets! Kailangan mas pagbutihan namin ‘to. Hindi kasi masyado happy si Iris sa naging outcome nung last event namin eh. Ewan ko ba dun! Lately parang laging ang init ng ulo. May kinalaman pa rin kaya ‘to dun sa baby issues nila ni Basti? Naku sana naman maaayos na nila ‘yun.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.