ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Finally, I can really feel na mag-asawa na talaga kami ni Iris. Buti na lang talaga bumukod na kami. I know that the place we have right now isn’t that much. But I think we’re off to a good start. Magsisikap kami ni Iris para matupad ‘yung plans namin for our future together. Like having our own home…Starting our own family. I can’t wait to have kids! Actually, I think, we could start working on that one already.

    - BASTI

  • Iris

    Hindi man kasing laki nung condo na inalok ni Tita V. ‘yung nilipatan namin, okay na okay pa rin. Ang mahalaga magkasama kami ni Basti, magkasama kami ng asawa ko. Haay! Mukhang eto na talaga ang simula ng pagiging Mrs. Valderama ko. Pero alam ko rin na ito palang din ang umpisa ng maraming bagay na pagdadaanan namin. Kaso etong si Basti, nagsisimula pa nga lang kami, gusto na ata ng baby? Naku, hindi pa pwede noh! Hindi pa kami ready.

    - Iris

  • Alejandro

    Hindi naman sa ayoko nang kasama ni Stephen or what. Pero kasi parang lately, ayoko na munang sumama sa mga lakad nya. Ayoko na rin kasi talagang magsinungaling. Kaya nga ako nag-out at hinarap ‘yung galit ni Sir Dad kasi ayoko ng gawin ‘yun. Kaso sa ginagawa naming ‘to parang bumabalik lang din ako sa dati, ‘yung nagtatago. I really hope hindi na ‘to magpatuloy. Baka kasi pagsimulan na naman ‘to ng panibagong gulo.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.