ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Ayokong makita si Mama na nasasaktan. Ayoko rin sanang umalis nang hindi kami okay. Alam ko kasalanan ko kung bakit ganun yung reaksyon nya. Alam ko sobra ko syang na-disappoint dahil naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko. Kaya kahit paulit-ulit akong mag-sorry, gagawin ko hanggang sa mapatawad nya ako. At sana tandaan nya na kahit may asawa na ‘ko at magkaroon ng sarili kong pamilya, ‘yung pagmamahal ko sa kanya hinding-hindi na ‘yun mawawala.

    - Iris

  • Basti

    I never wanted to hurt Mama Cass because of our decision to move out. I never wanted na magkagalit sila ni Iris. If only I could have prevented those things to happen, I would. But we need to make this choice para sa future naming mag-asawa. We need to learn how to depend on ourselves. We need to take responsibility for our decisions. Lalo na ako. I need to prove to them na kaya kong alagaan si Iris at ang magiging pamilya ko.

    - BASTI

  • Alejandro

    Haay! Akala ko talaga mabubuking na kami ni Stephen, buti na lang nalusutan namin. Pero dahil dun napaisip tuloy ako. Hanggang kailan ba kami magtatago nang ganito? Hanggang kailan kami magpapanggap para lang hindi ma-disappoint yung parents namin? Walang masama sa pagiging bakla. Hindi ‘to dapat ikahiya kung alam mong wala ka namang tinatapakang ibang tao. Hindi sya sakit na dapat gamutin. Hindi sya nakakabawas ng pagkatao. Sana one day, makita nina Sir Dad ‘yun.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.