ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Just when we were working on the perfect timing na sabihin kay Mommy Cass yung pagbukod namin, she accidentally found out about it. Iris is so worried. Pero I assured her na maaayos namin ‘to. I got this. I’ll talk to Mommy Cass. I know how much she loves Iris and this is difficult for her. But she also needs to understand that I’m not taking her daughter away. Hindi ko inaagaw si Iris sa kanya. All I want is to start a future with my wife.

    - BASTI

  • Iris

    Naku, paano ba ‘to? Nalaman na ni Mama yung plano namin ni Basti na umalis sa bahay. Alam ko masama ang loob nya sa amin ngayon. Kaya natatakot ako sa pagharap namin ni Basti sa kanya. Pero hindi na namin ‘to pwedeng atrasan. Buo na yung desisyon namin na bumukod. Sana matanggap nya ‘yun. Sana maintindihan nya may sariling buhay na akong kailangang harapin. Sana maintindihan nya na kailangan namin ni Basti na matutong tumayo sa sarili naming mga paa.

    - Iris

  • Alejandro

    Sumama si Mommy dun sa tambayan namin nina Stephen. Hindi ko na naawat eh. Gusto lang daw nyang makilala yung mga taong sinasamahan ko. At ayun nga, okay na okay sa kanya. Mukhang nag-enjoy pa nga sya makipag-bonding eh. Gusto pang bumalik. Ang hindi okay ngayon eh sina Basti at Iris. Nalaman na kasi ni Tita Cass na may plano silang bumukod. Panigurado galit ‘yun ngayon. Pero sana maintindihan din nya yung side ni Iris at Basti. Sana makinig sya sa paliwanag nila.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.