ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Haay! Nakailang practice na ‘ko pero ‘di ko pa rin alam kung paano sasabihin kay Mama na bubukod na kami ni Basti. Alam ko kasi magagalit ‘yun eh. Pero wala namang masama sa gagawin namin eh. Bilang mag-asawa, tama lang na magkaroon kami ng sarili naming bahay…ng sarili naming buhay. Pero hindi rin naman ibig sabihin nun, hindi na ‘ko pwedeng maging anak at kapatid. Sa ngayon lang kasi, kailangan ko munang maging asawa.

    - Iris

  • Basti

    I’m happy na okay na kami ni Iris. Buti na lang hindi na tumagal yung tampuhan namin. At mas lalo akong happy because finally she agreed na ituloy na namin yung pagbukod. I can’t wait na ipakita sa kanya yung condo na inoffer ni Tita V. We just need to talk to Mama Cass about it. And I think I should be the one to do it because this was my idea. I just really hope she’ll understand us. I really hope she’ll let us go.

    - BASTI

  • Alejandro

    Ayun na nga. Nakapag-decide na si Iris na bubukod na sila ni Basti. All they need to do now ay sabihin kay Tita Cass. ‘Yun nga lang, mukhang hindi sila madadalian. Kaya etong si Iris todo practice kung paano sasabihin na bubukod na sila. Ako, personally, I think tama lang naman na bumukod. I also believe na pasasaan ba’t maiintindihan din ni Tita Cass yung decision nila. At kung sakaling magkaproblema man sila, andito lang naman ako. Always ‘yan.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.