ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    I know that I promised Iris na I’ll try to make our situation work, pero nahihirapan na talaga ako. I don’t think I can take this any longer. But how will I convince Iris para pumayag na bumukod na kami? I don’t want this to be the reason para magkaroon kami ng tampuhan. Pero tama rin si Tita V, as Iris’s husband I need to do something about this. Baka kasi kapag pinatagal pa namin ‘to, mas lalo lang maging mahirap para sa amin ni Iris na bumukod. The situation might just get worse.

    - BASTI

  • Iris

    Mukhang nagtatampo sa ‘kin si Basti. Alam ko tungkol pa rin ‘to dun sa plano namin na bumukod. Mukha atang nahihirapan na talaga sya sa pagtira sa bahay. Akala ko kasi baka pag tumagal, masanay rin sya eh. Pero mukhang ‘di ganun yung nangyayari. Nakadagdag pa siguro ‘yung nasigawan sya ni Mama. Haay! Ano bang dapat kong gawin? Ngayon ko tuloy nare-realize, mahirap pala talaga ang buhay may asawa.

    - Iris

  • Alejandro

    Paano kaya kung tulungan ko si Stephen na sabihin sa parents nya yung totoo tungkol sa pagkatao nya? Alam ko kahit hindi nya sabihin, natatakot sya sa magiging reaction ng parents nya, lalo na ng Daddy nya. I should know, I’ve been there. Pero he needs to face his fear, ‘yun lang ang paraan so he can truly be free. So he can truly be happy. Hindi nya kailangan matakot kasi nandyan naman ‘yung friends nya to be there for him. I will be there for him.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.