ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Gusto ko na talagang kunin ‘yung condo unit na ino-offer ni Tita V. Pero syempre, I had to consult Iris first. Kaso, she’s not as enthusiastic as I am about getting the condo. Something’s bothering her. I understand na it’s difficult for her na umalis. But finding our own place doesn’t mean she can no longer take care of her family. She still can. And I’m willing to help her with that. Pero kailangan din namin i-secure yung sarili naming future together. I hope she also sees that.

    - BASTI

  • Iris

    Nakikita ko kung gaano na kagusto ni Basti na bumukod kami. Naiintindihan ko sya. Pero sa nakikita ko ring sitwasyon ngayon ni Mama, ‘di ko sya basta-basta pwedeng iwan. Kailangan nya ako. Kailangan ako ng mga kapatid ko. Kakausapin ko na lang muna si Basti na ‘wag muna kami bumukod. Hihintayin ko lang muna na maging okay si Mama. Siguro naman maiintindihan ako ni Basti.

    - Iris

  • Alejandro

    Akala ko, ito na ‘yung chance para magkaayos kami ni Sir Dad. Akala ko, finally, matatanggap nya na ‘ko. Pero akala lang pala lahat ‘yun. He still believes na phase lang ‘tong pinagdadaanan ko. He still believes na mababago ko pa kung ano at sino ako according to what he wants. Kaya ayun, may pinakilala pang family friend para raw kaibiganin ko at turuan ako kung paano magpakalalaki. Nakakainis nung una. Pero in fairness, mukhang okay naman pala sya.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.