ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Although I’m trying my best na mag-adjust at mag-fit in sa bahay nila Iris, I must admit, nahihirapan talaga ako. Kaya I tried to talk to Iris about us getting our own place and pumayag naman sya. I’m doing this not because ayokong makasama sina Mama Cass or anything. I’m doing this because as much as possible, I want to avoid any conflict na pwedeng makaapekto sa relationship ko sa kanila. I love them, they’re my family. Kaya I really hope na maintindihan kami ni Mama Cass.

    - BASTI

  • Iris

    Naku, paano ba ‘to? Ano kayang magiging reaksyon ni Mama kapag sinabi ko sa kanya na gusto na naming bumukod ni Basti? Baka magtampo ‘yun eh. Pero kasi nakikita ko rin kung gaano nahihirapan yung asawa ko. Alam ko naman na sinusubukan nyang mag-adjust eh. Pero alam ko rin na mahirap talaga ‘tong sitwasyon namin. Ang kailangan ko lang ngayon, maghanap ng magandang timing. At mukhang kailangan ko na rin samahan ng dasal. Haay! Lord, help! Please!

    - Iris

  • Alejandro

    Ang swerte ko talaga sa Mommy ko. Ang supportive, grabe! Handa syang samahan ako every step of the way dito sa journey ko sa pagkilala sa sarili ko. Kahit pa nga magalit si Dad sa kanya. Pero speaking of Dad, gusto nya raw makipagkita sa kin, which is surprising. Akala ko kasi galit sya sa ‘kin dahil dun sa nangyari sa gay bar. Tama kaya si Mommy? Na finally, unti-unti na akong natatanggap ni Sir Dad? Malalaman ko ‘yan kapag nagkita kami. Good luck, sa ‘kin!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.