ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    I almost got a heart attack nung nakita kong nasira ‘yung camera ko. Pero alam ko na naman na hindi ‘yun sinasadya ni Zoe. I was the one invading her space. I guess I have nobody to blame but myself. I really should try harder na mag-adjust. I don’t want to give Nanay Cass any trouble. Ayokong magka-problema kami ni Iris. I got this. Kakayanin ko ‘to. Like I always say, everything will be okay.

    - BASTI

  • Iris

    Sila Daddy Nestor at Ninang Val pala ‘yung bago naming client. Naku, dapat talaga galingan namin ‘to. Nakakahiya sa kanila kapag pumalpak kami. Kaya dapat din, mapaayos na namin ‘yung camera ni Basti. Alam ko, kahit ‘di nya sabihin sa ‘kin, nalungkot sya nung nasira ‘yun. Alam ko rin na medyo nahihirapan syang mag-adjust sa pagtira sa amin. Kaya naisip ko tuloy, dapat ba bumukod na kami?

    - Iris

  • Alejandro

    Grabe! Sobrang nakakakaba talaga ‘yung nangyari sa ‘min ni Mommy. Pero mas kinabahan ako nung nagkaharap kami ni Sir Dad. Sa tingin ko lalo syang nagalit sa ‘kin. Mukhang matatagalan pa ata talaga bago nya ako matanggap. ‘Di ko tuloy maiwasan na mag-senti. Napasugod tuloy ako kina Iris at Basti. Pero ‘di ko naman pwedeng gawin lagi ‘yun. Iba na kasi ngayon, mag-asawa na sila. Haay! Lalo ko tuloy nararamdaman yung pagiging single ko eh.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.