ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Sana talaga balang araw maging okay na ulit si Ali at Ninong. Pero sa ngayon, habang hindi pa nangyayari ‘yun, nandito lang kami para damayan sya. Kung pwede nga, dun na lang sya sa bahay para hindi sya mag-isa sa office. Mas at home sya dun…para ‘tong si Basti. Mukhang at home na at home na ata sa ‘min. Si Lolo Soc, Zoe tsaka Paolo, napapalapit na yung loob sa kanya. Pati tuloy ako, habang nakakasama ko sya, ‘di ko maiwasang bumalik yung mga nararamdaman ko para sa kanya dati. Naku, ano ba ‘to?

    - Iris

  • Basti

    Tita Val just told me na uuwi sila dito ni Dad sa Pilipinas. And I must admit, I’m quite excited about it. Ang tagal ko na rin silang hindi nakita. But on the other hand, I’m also a bit worried. Hindi pa rin kasi nare-resolve yung issue sa past ni Dad at ni Tita Cass. I’m just afraid baka maapektuhan ulit kami ni Iris. Lalo na ngayon when things are going great between us. I don’t want to lose Iris again. I can’t.

    - BASTI

  • Alejandro

    Mahirap para sa ‘kin na umalis, but I have to do this para kay Sir Dad, para sa ‘kin. Mas mabuting magkalayo muna kami para na rin mapag-isipan namin yung mga nangyari. I will use this chance para mas kilalanin yung sarili ko. Gusto kong matutunan kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong patunayan na maipagmamalaki pa rin ako ni Sir Dad bilang anak nya. Pero higit sa pagiging proud, ang pinakagusto kong makuha sa kanya, yung pagpapatawad nya at pagtanggap. Balang araw…

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.