ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Alejandro

    Alam na ni Sir Dad yung totoo. Nakita nya kami ni Romeo. Although hindi ito yung way na gusto kong malaman nya yung totoo, wala na akong magagawa. Ang pwede ko na lang gawin ay harapin sya…harapin yung galit nya, yung disappointment nya, na I will never be the son he wanted me to be. Na bakla yung anak nya. All I can do is hope na sana…sana mapatawad nya ‘ko. Sana matanggap nya ‘ko. Hindi man ngayon but maybe, one day.

    - Alejandro

  • Iris

    Napapadalas na yung pagbisita sa ‘min ni Basti. Napapalapit na rin sya mga kapatid ko, pati na rin kay Lolo. Si Mama naman, okay lang naman din sa kanya. Nakakatuwa palang makita si Basti kasama ng pamilya ko. Nakakatuwa yung malasakit na pinapakita nya para sa kanila. Yung nandyan lang sya para sa kanila, para sa ‘kin. Bigla ko tuloy naisip yung tanong nya. Dapat ba hayaan ko na yung sarili ko na bigyan sya ng isa pang chance?

    - Iris

  • Basti

    I am so happy to finally met Iris’ family. Pero I must admit, kinabahan din ako, especially with Tita Cass. I know she still doesn’t approve of me to be with Iris. But just like what I said, I’m willing to wait, hanggang matanggap ako ni Tita Cass. Nandito lang ako, maghihintay, hanggang ready na si Iris na buksan ang puso nya para sa ‘kin. Maghihintay ako until she’s ready to give us a second chance. I love her and I won’t give up.

    - BASTI

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.