ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    I’m so happy right now knowing na may pag-asa pa ‘ko kay Iris. Alam ko hindi nya sinabi sa ‘kin directly but still, I want to believe that’s what it meant. And I won’t stop believing that one day, we’ll be together again. I won’t stop proving to her how much I love her. Like what she said, walang imposible pagdating sa pag-ibig. And I will hold on to that.

    - BASTI

  • Iris

    Parang nabigla ata ako sa nasabi ko kanina kay Basti ah. Kaso wala eh, ‘di ko na mababawi yun. Baka tuloy isipin nun gusto ko nang makipagbalikan sa kanya. Ay naku, bahala na nga sya! Basta ang alam ko ngayon, okay kaming dalawa. Nakikita ko rin na malaki na talaga yung ipinagbago nya. At masaya ako dahil dun. Tingnan na lang natin kung saan pupunta ang lahat ng ‘to. Wala naman akong isinasarang pinto.

    - Iris

  • Alejandro

    So…may date ulit ako. And I’m really looking forward to this one. Baka eto na ‘to! Sana…sana talaga. Kaso lang sa sobrang excitement ko, na-wrong sent tuloy ako kay Daddy. Haay! Kaya naisip ko mukhang ito na yung right time na sabihin ko sa kanya ang totoo. Wala nang atrasan. At ayoko na rin talagang takasan ‘to. Kung anuman ang magiging reaksyon nya, haharapin ko…tatanggapin ko.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.