ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Nahuli kami ni Ali na sinusundan sya sa date nya. Kaya ayun, nagalit ata. Pero gets ko naman din sya na kailangan magtiwala lang kami sa kanya. Na kailangan nya ‘tong gawin para sa sarili nya. Kaya ayun, namasyal na lang tuloy kami ni Basti. In fairness, na-miss ko yung ganito. Yung parang nung nasa Greece lang kami. Yung masaya. Hindi ko pinagsisisihan yung mga yun, kasi kahit nasaktan ako, naranasan ko din kung paano magmahal. At umaasa akong maranasan ko ulit kung paano magmahal.

    - Iris

  • Basti

    Because our plan failed and Ali’s upset with us, pumunta na lang kami ni Iris sa amusement park. Ang saya! I miss being with her like this. And I’m looking forward to spending more time with her. I’m willing to do anything just to have that. I don’t want to lose her. I almost did…in Greece. Kaya this time, hindi ko na hahayaang mangyari yun. This time, I’ll make it right.

    - BASTI

  • Alejandro

    Medyo hindi ko talaga nagustuhan yung ginawang pagsunod sa ‘kin nina Iris at Basti. Para kasing wala silang tiwala sa ‘kin. Sana naman maintindihan nila na ginagawa ko ‘to hindi dahil trip ko lang. Ito yung way ko para matulungan yung sarili ko. Kagaya nila, gusto ko rin maging okay. Gusto ko rin magsimula ulit. Gusto ko rin maging masaya.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.