ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Kahit sinabi ko kay Mama na kaya kong gawin ‘to nang mag-isa, natatakot pa rin talaga ‘ko na harapin yung Tatay ko. Paano kung hindi nya ‘ko kilalanin? Paano kung hindi nya ‘ko tanggapin? Pero buti na lang din may mga taong nagpapalakas ng loob ko. Nandyan si Mama, si Ali…si Basti. Naa-appreciate ko yung concern nya. Na kahit hindi na kami, nandyan pa rin yung pag-aalala nya para sa ‘kin. At ganun din naman ako sa kanya. Kung alam nya lang.

    - Iris

  • Basti

    I really want to be with Iris right now. I know she’s worried about facing her father. I know she’s scared of what he might say kapag nalaman nya ang totoo. Sabi ko naman sa kanya, kapag kailangan nya ‘ko, I’m just one call away. She doesn’t have to do this all by herself. Nandito ako. She doesn’t have to be alone.

    - BASTI

  • Alejandro

    Sana maging okay yung paghaharap ni Iris tsaka yung Tatay nya. Kahit sinabi nya sa ‘kin na kaya nya ‘to mag-isa, alam ko natatakot pa rin sya sa kakalabasan ng pagkikita nila. At isa pang bagay na gusto ko rin sanang maging okay na, eh itong nararamdaman ko. Ayaw ko ng ganito. Kaibigan ko si Basti at tanggap ko na hanggang dun lang talaga kami. Period. Kaya lilipas din ‘to. Siguro makakatulong kung ibabaling ko sa ibang bagay yung atensyon ko. Tama, yun ang dapat kung gawin.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.