ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Ang saya, successful yung event namin! Akala ko kasi magkakaproblema kami. Muntik na kaming mawalan ng photographer. Pero ayun, naging okay naman kasi dumating si Basti. Syempre awkward, ‘di naman maiiwasan yun eh. Aaminin ko, hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita ko sya. At ngayon, iisipin ko na naman kung paano ang mangyayari kasi baka magkatrabaho ulit kami. Haay! Bakit parang nananadya ata ang tadhana na pagsamahin kami? Paano ba ‘to?

    - Iris

  • Basti

    Just as I was looking for a freelance photographer job, an opportunity presented itself. And the best part is, para pala sa event nina Iris. I knew things were going to be awkward. I already expected that pero naayos naman namin. Na-miss ko ‘to. I miss being with them…with Ali, with Iris. And I’m really looking forward sa chance na makatrabaho ulit sila. That is kung papayag si Iris. I hope she does.

    - BASTI

  • Alejandro

    Okay, so far, we did a great job para sa event ng first client namin. Buti na lang talaga dumating si Basti. Akala ko nga ‘di pa papayag si Iris eh. Masaya ‘ko na makita ulit silang magkasama. Medyo may ilangan nga lang, pero at least okay naman sila. Pasasaan ba’t unti-unti ring mawawala yung awkwardness na yan. Lalo na ngayon, mukhang hindi ‘to ang huling pagkakataon na magkakatrabaho sila. I’ll just hope for the best.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.