ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Basti

    Just like what I planned, I’m starting to fix my life. I’m looking for a job. And I’m even considering going back to school. But I think I still need to save up for that. I'm keeping myself busy. Pero ‘di ‘ko pa rin maiwasan na isipin si Iris. I miss her…so much. That’s why I still find ways para makita ko sya. Kahit sa malayo…Kahit sandali lang. For now, that’s enough.

    - BASTI

  • Iris

    Thank you po, Lord at may trabaho na po ako. Naku, ibibigay ko talaga yung best ko dito. Tapos paunti-unti, sinimulan na rin namin nina Ali at Kelly yung plano naming business. Eto na ‘to. Nararamdaman ko na ito na yung simula ng pagtupad ko sa mga pangarap ko. I’m moving forward. Kasabay na rin ng pagmo-move on ko kay Basti. Sabi ni Ali, nandito pa rin pala sya sa Pilipinas. Sana hindi na muna kami magkita.

    - Iris

  • Alejandro

    Just when I decided na it’s time to tell Sir Dad the truth, hindi naman natuloy. Nakakapanghinayang. Pero siguro nga hindi pa ito yung tamang panahon para gawin ko yun. Baka binibigyan pa ko ng oras para mas mapaghandaan ko yung pagsasabi ko ng totoo kay Sir Dad. At sana nga, pinagdadasal ko, na kapag dumating na finally yung moment na yun, maintindihan nya ‘ko. Matanggap nya ‘ko.

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.