ABS-CBN

LeavesOur Love StoryLeaves

In a world full of “Maybes” and “Almosts,” mahanap kaya nila ang kanilang “Always?”
Sundan at kilalanin na sina Basti, Iris and Ali as they share their feels sa love at sa life!

  • Iris

    Niloloko ako ni Basti. Niloloko nila ako ni Madison. ‘Yung dating akala ko lang, totoo palang lahat. ‘Yung dating akala kong imposible, nangyayari na. Kung hindi ko pa nakita ‘yung video hindi ko pa malalaman. Wala akong kamalay-malay, pinagmumukha na pala nila akong tanga. Alam kong may mga pagkukulang ako kay Basti, pero bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangan nya akong saktan nang ganito?

    - Iris

  • Basti

    I’m still bothered by what happened dun sa exhibit ko. Hindi ko naman pwedeng iwasan si Madison. I work with her. Good thing I got the chance to talk to her and she agreed that we’ll just forget about it. I think maliwanag naman sa kanya how much I love my wife. But I still think kailangan malaman ‘to ni Iris. Ayokong magtago ng kahit na ano sa kanya. We promised to be honest with each other. And I will keep that promise no matter what. Sana makausap ko na sya.

    - BASTI

  • Alejandro

    Totoo ba talaga ‘to? Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na sinabi sa ‘kin ni Stephen na mahal nya ako. Hindi ko ma-explain ‘yung happiness na nararamdaman ko. Gusto ko sanang ipagsigawan sa mundo kung gaano ako kasaya ngayon, kaya lang naisip ko si Sir Dad. Sa tingin ko hindi pa rin sya handa para sa ganito. Kailangan ko ulit humanap ng timing para sabihin sa kanya ang lahat. Haay!

    - Alejandro

LeavesOur Love StoryLeaves

COPYRIGHT © 2016 ABS-CBN CORPORATION. ALL RIGHTS RESERVED.